PAGHAHANDA | Senatorial slate ng PDP laban, paplantsahin pagkatapos ng Semana Santa – Senate President Koko Pimentel

34

Manila, Philippines – Paplantsahin na pagkatapos ng Semana Santa ang pambato ng PDP laban sa pagkasenador sa 2019 elections.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, plano na nilang magpulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez pagkatapos ng Semana Santa para plantsahin ang listahan ng mga posibleng pambato.

Sabi ni Pimentel, kapag umabot sa 15 hanggang 16 ang nga pangalan na kanilang mabubuo ay isusumite na nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Diin ni Pimentel, si Pangulong Duterte ang magdidesisyon para sa pinal na senatorial slate ng PDP laban sa darating na halalan.

Facebook Comments