“Cyber scam” sa ilang mga guro, hiniling ng isang kongresista na maimbestigahan ng DepEd at BSP

Ipinasisilip ng ACT Teachers ang ulat na may mga gurong nawalan ng “savings” dahil sa bank “cyber scam”.

Sa impormasyong nakalap ng grupo, may ilang mga guro ang nawalan ng pera sa kanilang bank accounts sa Land Bank of the Philippines at ang iba ay nakuhanan ng mahigit sa P100,000.

Umapela si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro sa Department of Education (DepEd), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sa Land Bank na silipin ang problema at alamin kung ilang mga guro ang biktima.


Pinayuhan naman ng kongresista ang mga gurong lumapit sa kanila na magsampa ng kaso sa Department of Justice (DOJ) o kaya’y sa National Bureau of Investigation (NBI).

Nakikipag-ugnayan na rin ang ACT-Teachers sa iba pang mga guro upang beripikahin ang mga ulat upang makagawa ng naaangkop na aksyon.

Facebook Comments