Command conference, muling isasagawa ng PNP para talakayin ang mga paghahanda sa eleksyon 2022

65

Magkakaroon nang pagpupulong ngayong araw ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police.

Ito ay para pag-usapan ang mga paghahanda sa eleksyon 2022.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos, magsasagawa sila ng national assessment at dadaluhan ito ng lahat ng regional director.


Aalamin nila ang security situation sa bansa para matukoy kung dapat na bang dagdagan ang mga election hotspots.

Batay sa kanilang assessment nitong December 2021, may mahigit 500 areas of concern na silang natukoy.

Paliwanag ni PNP chief, patuloy ang paglalatag nila ng seguridad upang matiyak na magiging payapa ang eleksyon 2022.



Samantala, nagpapatuloy rin ang background checking na ginagawa nila sa mga pulitiko.

Facebook Comments