Manila, Philippines – Inatasan na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) napalakasin ang cyber security measures nito.
Ito’y sa gitna ng global ransomware attack sa mga nakalipas na araw.
Bukod sa NBI, nakatanggap rin ng kaparehong kautusan ang Office of Cybercrime ng Department of Justice mula kay Aguirre.
Nauna nang nagbabala ang Department ofInformation and Communications Technology (DICT) sa mga pilipino kaugnay ng ransomware attack.
Nabatid na ilang bansa na ang apekatadong ransomware attack, kabilang na ang health system ng Britain, Interior Ministry ng Russia, Spanish Telecommunications Giant Telefonica, at US Courier Firm FEDEX at marami pang mga bansa.
Ayon sa ilang security researchers ng Kaspersky lab, nakapag-record sila ng mahigit sa 200,000 attacks sa 150 namga bansa, kasama na nga UK, Russia, Ukraine, India, China, Italy at Egypt.
Ang “ransomware” ay isang uri ng virus ng computer na pipigilan ang paggamit ng computer, internet, o partikularna mga application habang humihingi ito ng kabayaran.