Imbestigasyon sa mga aberya sa MRT, aarangakda na sa Senado

Manila, Philippines – Aarangakada nangayong araw ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa mga aberya ng Metro RailTransit o MRT line 3

Ayon kay Sen. Grace Poe na siya ring chairman ng senate committee on public services, sesentro ang pagdinig sa kontratang pinasok ng mga dating opisyal ng Department of Transportation partikular ang tingi-tinging pagbili ng mga bahagi ng tren gayundin ang mekanismong magpapatakbo nito.

Sinabi pa ni Poe na aalamin rin nilakung bakit ibinigay pa rin sa Dalian Locomotive Corporation ang kahit walapa itong track record sa mga tren gaya ng MRT.


Giit pa ni Poe, malinaw na hindi talaga nasuri muna ang mga bagon na binili mula sa Dalian dahil hindi ito kumpleto nang dumating sa bansa.

Kabilang naman sa mga inimbitahan sapagdinig si dating Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya.

Facebook Comments