Cybercrime experts ng NBI at DOJ, nagtutulungan sa paghabol sa mga nagpapakalat ng Fake News kaugnay ng nCoV threat

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang Cybercrime experts ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang nagsasagawa ng masusing pag-aaral sa mga nagpapakalat ng fake news kaugnay ng banta ng Novel Coronavirus (nCoV).

 

Ayon kay Secretary Guevarra, tinitingnan muna ng cybercrime experts kung may malicious scheme o pattern sa paglaganap ng fake news sa nCoV.

 

Muli namang umapela ang kalihim sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling balita lalo na at lahat tayo ay apektado sa banta ng nCoV.


 

Una ng inatasan ni Secretary Guevarra ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon laban sa mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling balita kaugnay ng nCoV.

 

Sa kanyang Department Order,  inatasan ni Secretary Guevarra si NBI Director Dante Gierran na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up at kung may sapat na makakalap na ebidensya ay agad maghain ng kaukulang kaso.

Facebook Comments