Muling nananawagan ang Department of Agriculture (DA) sa mga local na pamahalaan na tumulong sa paglaban sa African swine fever o ASF.
Ito ay matapos makumpirma na may nasabat na mga baboy na may virus sa Pangasinan.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, malaki ang maitutulong ng LGUs para mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Pinayuhan din ni Dar ang mga LGUs na magpatupad ng quarantine checkpoint upang makatiyak na hindi makakalusot sa kanilang lugar ang sakit na ASF.
Facebook Comments