D4D Van at Honda Beat nagkasalpukan sa Datu Montawal, 2 Patay

Patay ang dalawa katao matapos mabangga ng D4D Van ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa National Highway partikular sa Brgy Bulit Datu Montawal pasado alas dos kahapon ng hapon .

Kinilala ang mga nasawi na sina Blah Sinolinding 29 anyos driver ng Honda Beat at ang backride nito na si Aisa Masual 24 anyos at kapwa mga residente ng Brgy. Bulit.

Sa impormasyong ipinarating ni SI Jemar Delos Santos, spokesperson ng PRO ARMM kapwa tinatahak ng D4D at Honda Beat ang national highway ngunit bigla na lamang nagkasalpukan.


Nagawa pang isugod sa Kabacan Polymedic Hospital ang mga sakay ng motor ngunit idineklara itong dead on arrival.

Kasalukuyang nasa custody ng Datu Montawal MPS ang nakabundol na Van at ang driver na kinilalang si Nick Barcelo, 36, residente ng Brgy. Limbo Sultan Kudarat, Maguindanao.
Kaugnay nito patuloy ang pagpapaalala ng mga otoridad na maging maingat sa pagmamaneho.
GOOGLE PIC

Facebook Comments