DA: ₱1.8-B crop insurance, nakahanda na sa mga apektado ng El Niño 

Nakahanda na ang ₱1.8-B na insurance claims sa buong bansa para sa mga magsasakang nalugi o nasira ang mga pananim dahil sa tagtuyot dulot ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Spokesperson Arnel de Mesa, sa kasalukuyan may mga na-validate na ang Philippine Crop Insurance Corporation na mga notices of loss na inihain ng mga apektadong magsasaka.

Maliban dito mayroon din aniyang ₱500 million na credit support sa ilalim ng Survival and Recovery Loan Program ng Agriculture Credit Policy Council.


Dito makakautang ng hanggang ₱25,000 na maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon na may zero interest para sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.

Sa ngayon, aabot na sa 7,668 na magsasaka sa buong bansa ang apektado, kung saan 6,523 hectares ng lupang pansakahan ang nasira.

Pinakamatinding naapektuhan ang Iloilo na mayroong 3,105 na apektadong magsasaka.

Pumapangalawa ang Oriental Mindoro na mayroong 386 na affected farmers.

Facebook Comments