Mga upuan sa NAIA na pinamumugaran ng surot, inalis na

Humingi ng paumanhin ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasaherong nakagat ng surot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at 3.

Ito ay matapos na i-post ng ilang pasahero ang kanilang larawan na may kagat ng surot sa hita.

Agad namang inatasan ni MIAA General Manager Eric Ines ang lahat ng terminal managers ng NAIA na imbestigahan ang insidente at isumite ang report sa loob ng 24 oras.


Inalis na rin ng MIAA ang mga upuan na pinamumugaran ng mga surot.

Facebook Comments