DA Agriculture Chief, pinatataasan sa susunod na administrasyon ang pondo sa sektor ng agrikultura

60

Iminungkahi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa susunod na administrasyon na taasan ang pondo sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Kalihim Dar, dapat triplehin ang budget ng DA kada taon na aabot sa ₱250-B.

Ani Dar, ang nasabing pondo ay magiging sapat umano upang mapalakas ang sektor ng agrikultura sa bansa para makamit ang food sovereignty.


Ito ay sa kabila naman ng krisis na nangyari sa Ukraine at Russia at nakaapekto sa pagbaba ng agricultural production sa bansa sa 0.3 percent sa unang quarter ng 2022.

Nagpasalamat naman si Dar kay Pangulong Duterte sa mga reporma na ipinatupad ng kaniyang administrasyon sa sektor ng agrikultura gaya implementasyon ng Rice Tarrification Law at Coconut Farmer’s and Industry Trust Fund Act.

Facebook Comments