2 Menor de Edad, Biktima ng Pangmomolestiya; Suspek na 69-anyos, Arestado

20
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang 69-taong gulang na magsasaka dahil sa umano’y pangmomolestiya sa dalawang menor de edad sa Busa, Sabangan, Mountain Province.

Batay sa report ng PNP Sabangan, pinaaaresto ng korte ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Judge Daniel D. Mangallay, Presiding Judge, Branch 64, Regional Trial Court, First Judicial Region, Abatan, Buguias, Benguet may petsang May 11, 2022 para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente nito lamang Marso 2022 sa mismong bahay ng suspek sa Cabacab, Balili, Mankayan, Benguet.

Ang mga menor de edad ay inalok ng pera ng suspek para gawin ang masamang balak nito sa mga biktima.

Ikinostodiya na ang suspek sa Mankayan Police Station makaraan itong maaresto sa Sabangan.

Facebook Comments