DA Asec. Medrano, Namigay ng Libreng Alagaing Manok sa mga Magsasakang Apektado ng Tagtuyot

Cauayan City, Isabela- Namigay ng nasa 500 piraso ng alagaing manok ang Department of Agriculture (DA-RFO2) Field Office 2 bilang tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng tagtuyot o drought sa apat (4) na barangay sa Bayan ng Echague, Isabela.

Personal itong dinala ni DA Assistant Secretary for Livestock William Medrano kasama ang pwersa ng DA Field office 2.

Nabiyaan ang nasa 50 beneficiaries na tumanggap ng 10 manok bawat magsasaka kaya laking tuwa ng mga ito ang maagap na tugon ng ahensya.


Isa ang Valley High Value Cooperative na nakikitang ehemplo para sa mas mabilis na paghahatid ng proyekto sa mga kasapi ng Farmers’ Cooperative and Associations (FCA).

Ayon kay Asec. Medrano, ito ngayon ang bagong istratehiya ng ahensya sa pagbibigay serbisyo sa mga magsasaka sa pamamagitan ng FCAs.

Naniniwala ang opisyal na mas mapapalawak pa ng VHVC ang kanilang sinasakang mais mula sa 200 ektarya hanggang 500 ektarya, at pahalagahan ang ibinibigay na tulong ng ahensya para sa ikauunlad ng buhay ng bawat magsasaka.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Edillo na lumapit ang nabanggit na kooperatiba sa DA para magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan ang mga magsasaka ng mais dahil sa nireport nilang danyos sa kanilang pananim dulot ng drought.

Ipinaalam din ng direktor na nagsagawa ng cloud seeding ang DA RFO 02 para sa mga lugar na nakakaranas ng tagtuyot sa kanilang sakahan.

Samantala, magbibigay naman ang DA RFO 02 ng incubator sa mga ito para matiyak ang pagpaparami ng manok.

Umaabot nasa 2000 na manok at 440 pato na ang naipamahagi sa tatlong (3) probinsya sa rehiyon habang isusunod naman ang kaparehong distribusyon sa probinsya ng Quirino.

Facebook Comments