DA at BAI, nagpamahagi ng alagaing baboy at manok sa mga nasalanta ng bagyo sa Ifugao

COURTESY: Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry

Nagpamahagi ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI) ng alagaing baboy at manok sa Ifugao para palakasin ang livestock at poultry industry doon.

Ito’y bahagi ng Upgraded Native Pig Project at Chicken Production Project sa Provincial Livestock Facility sa Lamut, Ifugao.

Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na nina BAI Director Dr. Ronnie Domingo at Dr. James Gopeng, ang Ifugao Provincial Veterinarian para sa pagsisimula ng proyekto.


Nais ng DA at BAI na masiguro ang sapat na suplay ng manok at baboy sa lalawigan.

Maliban dito, inaasahang makapagbibigay rin ito ng livelihood assistance para sa 500 pamilya doon.

Kasama sa proyekto ang pagsasanay sa mga residente upang mas madagdagan ang kanilang kaalaman sa pag-aalaga ng mga hayop.

Facebook Comments