MRT-3, nakapag-install na ng 16 na bagong signal lights sa mga train station

54

Nakapaglagay na ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 MRT-3 ng 16 na bagong signal lights sa mga istasyon ng tren nito.

Ito’y bilang bahagi ng massive rehabilitation at maintenance na isinasagawa ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.


Nakapaglagay na ng 6 na bagong signal lights sa Ortigas Station, 5 sa Shaw Boulevard Station at 2 sa Guadalupe Station.

Ang bagong signal lights ay LED-powered at mas maliwanag kung ikukumpara sa dating regular na signal lights.

Target ng MRT-3 management na makapaglagay ng signal lights sa lahat ng mga istasyon ng rail line.

Facebook Comments