DA at Israel, magtutulungan para sa Build, Build, Build sa agri sector

Magtutulungan ang Department of Agriculture (DA) at ang katapat nito sa Israel para isakatuparan ang Build, Build, Build program sa sektor ng agrikultura.

Nagkasundo sina Agriculture Secretary William Dar at Israel Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz na magtulungan para mapaunlad ang produksyon ng mga magsasaka.

Sa pulong ng dalawang agriculture chief, inilatag ni Dar ang kaniyang sariling bersyon ng Build, Build, Build program.


Sa 8 paradigm ni Dar, hangarin niyang makamit ang food security ng bansa.

Aniya, susi rito ang modernization at efficient science and technology strategy.

Sa partnership sa Israel, malaki ang maitutulong ng teknolohiya ng Israel patungkol sa water irrigation.

Kabilang din sa collaboration sa Israel ay ang pagtatayo ng limang advancement centers sa mga state university at colleges.

Magsisilbing training area ang mga ito ng mga bagong henerasyon ng mga magsasaka sa bansa.

Facebook Comments