DA-BAI, inanunsyo ang resulta ng Phase 1 ng ASF vaccine trial nito

Photo Courtesy: Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry Facebook Page

Inanunsyo ng Bureau of Animal Industry (DA-BAI) ang resulta ng Phase 1 ng kanilang vaccine trials kontra African Swine Fever (ASF).

Isinagawa ang “Clinical Study for the Evaluation of ASF vaccine in Protecting Pigs Against African Swine Fever” mula February hanggang May 2022 sa pakikipagtulungan ng Chulalongkorn University sa Thailand.

Ang vaccine trial ay isinagawa sa Robina Farm sa Bulacan na may layuning makita kung ligtas na gamitin ang vaccine para magkaroon ng immune response ang mga alagang baboy laban sa ASF virus.


Ayon kay BAI Director Reildrin Morales, sa unang vaccine trial naitala ang mimimal na non-related mortality sa mga baboy na naturukan.

Lumilitaw na 66 percent ng sample animals ay nagpakita ng antibodies kontra ASF virus.

Ani Morales, dahil sa mahusay na ipinakita ng Phase 1, inirerekomenda nila na magkaroon na ng Phase 2 ang vaccine trial.

Plano ng DA na gawin ito ngayong Mayo hanggang Hunyo 2022.

Sa pagkakataong ito, susubukan naman itong iturok sa mismong mga baboy na tinamaan ng ASF virus.

Facebook Comments