Vice commander ng Philippine Army, binigyang parangal kaugnay sa nakatakda nitong pagreretitiro

152

Pinarangalan kahapon ng Philippine Army ang ika-33 Army Vice Commander na si Maj. General Henry M. Doyaoen sa kaniyang napipintong pagreretiro sa serbisyo.

Sa isinagawang retirement Ceremony sa Philippine Army Officers Clubhouse, Fort Bonifacio, Taguig City, pinuri ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. si Maj. Gen. Dayaoen sa kaniyang mahusay na pamamahala ng iba’t ibang Philippine Army Committees na kaniyang pinamunuan.

Si MGen. Doyaoen na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988 ay nagsilbi ng mahigit 38 taon sa militar.


Bago nagsilbi bilang Vice Commander ng Phil. Army sa nakalipas na halos anim na buwan, si Doyaoen ay nagsilbi bilang internal auditor ng AFP.

Si Doyaoen ay pansamantalang papalitan sa pwesto ni Army Chief of Staff Maj. Gen. Roberto S. Capulong.

Facebook Comments