DA: Benguet Province, avian flu free na

Idineklara na ng Department of Agriculture (DA) na ligtas na sa avian flu ang lalawigan ng Benguet.

Sa isang Memorandum Circular, inihayag ng DA na wala nang naitatalang kaso ng highly pathogenic avian influenza ang Benguet matapos ang 90 days na disinfection activities at surveillance activities sa apektadong poultry farms.

Kabilang ang Benguet sa 15 probinsya na idineklarang avian flu free na.


Halos dalawang taon na ang lumipas nang unang na-monitor ang 11 na kaso ng H5N1 sa mga alagang pato, native chicken, chicken layer, mga ibon, culled broiler breeder, pabo at gansa sa Baguio City at sa mga bayan ng Atok, Buguias, Itogon, La Trinidad, Sablan at Tublay sa pagitan ng February at September noong 2022.

Agad na nagsagawa noon ang DA at ang provincial government ng Benguet ng depopulation at disinfection operations.

Agad ding ipinatupad ang disease monitoring at surveillance sa one-kilometer at 7km surveillance zones sa paligid sa apektadong farms.

Facebook Comments