DMW at UAE, nagbukas na rin ng dayalogo para sa proteksyon ng OFWs

Nagkaroon na rin ng dayalogo ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Pamahalaan ng United Arab Emirates para sa proteksyon sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Bukod sa Pinoy workers, napagkasunduan din ang proteksyon sa nationals ng mga empleyadong Emirates na nasa Pilipinas.

Natalakay rin sa dayalogo ang mga polisiya na magpapalakas sa proteksyon sa mga manggagawa ng dalawang bansa, gayundin ang benepisyo ng mga empleyado at employers.


Na-plantsa rin sa dayalogo ng Pilipinas at UAE ang usapin sa bilateral , regional partnership at ekonomiya.

Facebook Comments