DA-BFAR 2, TUMANGGAP NG P9M

CAUAYAN CITY – Nakakuha ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ng P9 milyon para sa implementasyon ng programang “Sustaining Batanes Waters through Fisheries Livelihood Program.”

Ang pondo ay personal na tinanggap ni DA-BFAR 2 Regional Director Angel B. Encarnacion, na naglalayong magbigay ng suporta sa 11 asosasyon ng mga mangingisda sa Batanes.

Kabilang sa mga tulong na ipinamahagi sa ilalim ng programa ay mga motorized boats, fish processing equipment, at aquaculture assistance gaya ng tilapia fingerlings at feeds.


Pinasalamatan naman ni Regional Director Encarnacion ang Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang opisyal mula sa DOLE at Batanes Fishery Office sa kanilang suporta sa nasabing proyekto.

Facebook Comments