Pinangunahan ng Department of Agriculture-Bicol ang isang indignation rally laban sa CPP-NPA.
Aabot sa 300 katao ang lumahok na kinabibilangan ng mga uniformed personnel, kinatawan mula sa mga government at non-government organizations, mga kabataan, mga lider at residente ng barangay.
Isinagawa ang indignation rally Peñaranda Park, Legazpi City.
Ang DA ay tumatayong Vice-Chair ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Kinondena ng ma grupo ang pagpaslang umano ng NPA sa tatlong sundalo sa Barangay Banquerohan.
Ang naturang mga sundalo ay nasa admin mission para makipag-coordinate sa LGU para sa paglalatag ng seguridad sa major road construction project sa Banquerohan-Villahermosa.