DA, binalanse ang interes ng mga magsasaka at mamimili sa pasyang magpataw ng SRP sa sibuyas

Ipinahayag ng Department of Agriculture (DA) na binalanse nila ang interes ng mga magsasaka at mga mamimili sa ginawa nilang pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas.

Ginawa ni Agriculture Asec. Kristine Evangelista ang pahayag kasunod nang itinakdang ₱250 na SRP sa sibuyas sa mga pamilihan.

Nabuo aniya ang desisyon matapos na pumalo sa ₱600 kada kilo ang presyo ng sibuyas na sobra-sobra ang pagkamahal.


Ibinatay aniya nila rito ang farmgate price ng sibuyas na ₱190 bilang konsiderasyon sa gastos ng mga magsasaka at ang panahon ng lugi ang mga ito.

Habang ang ₱60 na sobra sa SRP ay para biyahero at vendors sa kita ng kada kilo ng sibuyas.

Facebook Comments