Nabiktima ng paputok, sumampa na sa 41 – DOH

Nakapagtala pa ang Department of Health ng limang bagong kaso ng fireworks-related injury kahapon, December 29.

Dahil dito, 41 na ang kabuuang bilang ng nabiktim ang paputok mula sa 61 DOH sentinel hospitals.

Mas mataas ito ng limampu’t dalawang porsiyento kumpara sa bilang na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.


Patuloy naman ang paalala ng DOH, maging ng Philippine National Police at ilang advocate group na iwasan ang pagpapaputok sa halip ay gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay.

Facebook Comments