Bumuo si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng isang technical working group na magre-review sa mga regulasyon ng ahensya.
Layon nitong mapabilis ang serbisyo ng kagawaran, mabawasan ang red tape at mabaraha ang mga butas sa mga patakaran na sinasamantala ng mga smugglers at hoarders.
Ang Technical Working Group (TWG) ay pamumunuan nina Undersecretary Asis Perez at Undersecretary Alvin John Balagbag.
Inaasahang matatapos ang pagre-review sa loob ng isang taon at uunahin ang mga regulasyong may malaking epekto sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.
Ayon kay Usec. Perez, ang kanilang mandato ay gawing hindi lamang patas at maayos na regulator ang DA, kundi gawing tagapagtaguyod ng paglago ng agrikultura.
Sa pamamagitan ng hakbang na ito, inaasahan na mas mapapabilis ang pagbibigay ng serbisyo sa mga stakeholder, mapadadali ang pakikipagtransaksyon sa Department of Agriculture (DA) at mahihikayat ang mas maraming investment sa sektor ng agrikultura.