PRC, nakaalerto na sa harap ng bagong COVID cases sa bansa

Kinumpirma ni Philippine Red Cross (PRC) Secretary General Dr. Gwendolyn Pangan na nakaalerto sila ngayon sa harap ng pagkakaroon ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Ito ay batay na rin aniya sa direktiba sa kanila ni Red Cross Chairman Richard Gordon.

Sa ginaganap ngayon na World Disaster report sa Makati City, inihayag ni Dr. Pangan ang kahalagahan ng paghahanda sa publiko sa world health emergency.


Magugunitang 14.1 million na mga indibidwal ang nabiyayaan sa emergency response ng Philippine Red Cross sa COVID-19.

Facebook Comments