Bumuo ang Department of Agriculture (DA) ng technical working group (TWG) na tutulong sa mga mambabatas sa gagawing pag-amyenda sa probisyon ng Anti-Agricutural Smuggling Act of 2016.
Itinalaga ni Tiu Laurel Jr. si Atty Paz Benavidez II, ang DA Assistant Secretary for Regulations, bilang tagapamuno ng 8-member TWG na maghahanda ng position at inputs.
Sa planong amyenda, tataasan ng tatlong ulit ang multa para sa katumbas na halaga ng mga smuggled goods.
Sa ilalim ng umiiral na batas, tanging mga large-scale smugglers ang tinutukoy na mga economic saboteurs.
Ang multang ipinapataw ay katumbas ng patas na halaga ng mga smuggled farm goods at sa kabuuang halaga ng mga kaakibat na buwis at iba pang mga singilin.
Sa ilalim nito, ang smuggling ay large-scale kung ang halaga ng ipupuslit na asukal, mais, karne ng baboy, sibuyas at bawang ay hindi bababa sa ₱1 million.
At sa kaso ng bigas, large-scale smuggling lang ito, kung ang minimum value ay nasa ₱10 million.