Private Sector Advisory Council, inirekomendang taasan ang reimbursement rates ng PhilHealth sa mga ospital

Iminungkahi ng Private Sector Advisory Council-Healthcare Sector Group kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na taasan ang reimbursements ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga ospital.

Sa pulong sa Malacañang, naglatag ng tatlong rekomendasyon ang PSAC-Healthcare Sector Group para sa PhilHealth.

Kabilang nga dito ang pagtataas ng reimbursement rates at repayment ng payables sa mga pagamutan.


Bukod dito, inirekomenda rin ang reorganization kung saan dadagdagan ang manpower ng PhilHealth.

Samantala, isinulong din ang pagbuo ng Joint Taskforce sa pagitan ng PhilHealth at Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa digitalization ng mga serbisyo.

Facebook Comments