Itinanggi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol ang balitang lumabas na inimbitahan ng Malacañang ang kapitan at cook ng bangkang lumubog para makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Idinetalye ni Piñol sa kanyang Facebook post ang naging pag-uusap nila ni Junel Insigne, kapitan ng FB Gem-Vir 1, tungkol sa isyung kumakalat na tinanggihan nito makipagkita kay Duterte.
“During the meeting, I asked Insigne whether the media reports saying that he was asked to see the President in Malacanang came from him and whether he received an invitation from the Palace,” ani Piñol.
Sagot ni Insigne, narinig niya lang papuntahin siya ng Palasyo ngunit walang pormal na imbitasyong natanggap.
Paglilinaw ng Agriculture Chief, si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Undersecretary Eduardo Gongona ang nagpupunta sa grupo ni Insigne sa Maynila upang talakayin ang kanilang pangangailangan sa nasabing insidente.
“He was with boat owner, Dela Torre, and the cook, Richard Blaza, on Sunday on their way to Calapan, Oriental Mindoro where they were supposed to take the ferry boat to Manila when he backed out of the trip.”
Ayon pa kay Piñol, na-misinterpret ng media ang tugon ni Insigne kung bakit siya hindi tumuloy sa Maynila.
“Insigne said he did not feel well and decided to return to San Jose, a decision which some members of the media interpreted as a refusal to see the President.”
Kaugnay nito, humingi ng paumanhin si Insigne kay Pangulong Duterte dahil sa mga hindi magagandang salitang binitiwan.
“Humihingi po ako ng paumanhin sa ating mahal na Presidente. Hindi po pala aro pinatawag nya. Si Secretary Pinol pala ang nagpatawag sa amin,” pahayag ng kapitan sa press conference kahapon.
Inatasan ni Duterte si Piñol pangunahan ang imbestigasyon ng umano’y pagsalpok ng isang Chinese fishing vessel sa bangkang pangisda ng Pinoy noong Hunyo 9 sa Recto Bank.