DA, dapat regular na mag-report ukol sa mga hakbang kaugnay sa deklarasyon ng state of calamity bilang tugon sa ASF

Regular na pinagre-report ni Senator Joel Villanueva ang Department of Agriculture (DA) ukol sa mga hakbang nito na kaugnay sa deklarasyon ng state of calamity dahil sa African Swine Fever (ASF) outbreak.

Kinumpara ni Villanueva ang deklarasyon sa reseta laban sa isang karamdaman o sa sitwasyon ng local hog industry na nasa Intensive Care Unit na kaya dapat may gawin ang DA para agarang gumaling ang may sakit na industriya.

Giit ni Villanueva, dapat maglatag ng game plan ang DA at iba pang kinauukulang ahensya kung paano maipatutupad ang layunin ng proklamasyon.


Paliwanag ni Villanueva, daan ang deklarasyon para makapaglabas ang mga lokal na pamahalaan at mga government agencies ng pondo para mapigil ang pagkalat ng ASF at matulungan ang lokal na magbababoy na apektado nito.

Diin ni Villanueva, bahagi ng tungkulin ng DA na ipaalam sa mamamayan kung nagkakaroon ng progreso o kung maibabangon nito ang hog industry.

Facebook Comments