DA, DOH at DTI, bumuo ng joint memorandum kontra sa mga mapansamantalang negosyante ngayong may problema sa COVID-19 sa bansa

Titiyakin ng Department of Agriculture (DA) na mananagot ang mga  abusado sa presyo lalo na sa mga pangunahing bilihin ngayong may pinapatupad na quarantine sa ibat ibang panig ng pilipinas

Ayon kay Assistant Secretary Noel Reyes tagapagsalita ng DA bumuo na sila ng joint memoramdum kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH) para matiyak ang supply ng pagkain at murang pagkain sa bansa.

Layunin nito na buhayin ang local price coordinate council.


Ibig sabihin mag lalaan ng tauhan ang kada munisipalidad at siyudad na tututok para matiyak na tamang presyo samga paninda.

Samantala tiniyak din ng DA na may sapat na supply ng pag kain ngayong may Enhance Community Quarantine (ECQ) tulad nalang ng bigas na tatagal pa ang stock hanggang buwan ng September.

Facebook Comments