DA, dumipensa sa COA findings sa naging paggastos sa kanilang pondo

Dumipensa ang Departement of Agriculture (DA) sa puna ng Commission on Audit (COA) sa naging paggastos sa kanilang pondo.

Sinita kasi ng COA ang DA sa kawalan umano ng mga dokumentong ibinigay na COVID-19 hazard pay sa regular employees nito na nagkakahalaga ng P31.34 million.

Sa isang statement, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na sinagot na nila ang patungkol sa kinukwestyong pondo sa Consolidated Annual Audit Report o CAAR.


Ayon naman kay DA Undersecretary for Administration and Finance Roldan Gorgonio, natanggap lang nila ang COA report noong July 2, 2021 at mayroon pa silang hanggang September 2,2021 upang magbigay ng detalyadong paliwanag sa mga obserbasyon ng COA.

Sa ngayon aniya ay tinitipon pa nila ang mga report mula sa mga concerned DA offices at operating units.

Tiniyak ni Dar na hindi nila kukunsintihin ang korapsyon sa ahensya.

Kumpiyansa ang kalihim na nasusunod ang government accounting at auditing procedures sa pondong ipinalalabas ng DA para matulungan ang mga nasa agri-fishery sectors na mapataas ang kanilang produksyon.

Facebook Comments