Binigyang linaw ni Agriculture Secretary William Dar ang umano’y sobra sobrang imported na bigas para sa taong 2019.
Ayon kay Dar, batay sa datos ng Bureau of Customs, ang rice import volume bago pa man ipinatupad ang Rice Tarrification Law ay abot lamang 1.87 million metric tons mula March hanggang October 2019.
Batay naman sa record ng DA-Bureau of Plant Industry, May 2 MMT na application ang nabigyan ng Import Clearance.
Pero, nilinaw ni Dar na 2.99-MMT na rice imports na inilutang ay kumakatawan lamang sa total rice imports para sa 2019 at hindi bunsod ng implementasyon ng RTL.
Facebook Comments