DA, gagamit ng sniffing dogs para matukoy ang mga karneng kontaminado ng ASF

Kukuha na ang Department of Agriculture (DA) ng mga sniffing dogs para agad ma-detect ang mga karneng baboy na kontaminado ng African swine fever (ASF) na pumapasok sa bansa.

Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), ipoposte ang mga aso sa mga paliparan at sa lahat ng port of entry sa bansa.

Dahil dito, nag-imbita na ang DA ng mga kumpanyang nagbibigay serbisyo ng mga sniffing dogs.


Una nang naghigpit ang DA sa pagpasok sa bansa ng mga karneng baboy mula sa mga bansang nagkaroon na ng ASF kabilang ang China, Hungary, Belgium, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Bulgaria, Czech Republic, Moldova, South Africa at Zambia.

Facebook Comments