DA, hindi magbibigay ng ayuda sa mga naluging magsasaka dahil sa oversupply

Prangkahan sinabi ng Department of Agriculture (DA) na hindi nila mabibigyan ng ayuda ang mga magsasakang nalugi dahil sa oversupply, at tinamaan ng peste at andap.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel, na walang pondong available para tulong pinansyal sa mga magsasaka.

Hindi rin naniniwala si Laurel sa cash aid o ayuda dahil pansamantala lamang ang tulong na maibibigay nito.


Sa halip ay tutulong aniya ang ahensya sa ibang paraan tulad ng pamamahagi ng buto, binhi, at pesticide.

Gayunpaman, tiniyak ni Laurel na ginagawa nila ang lahat para matulungan ang mga apektadong magsasaka at maiwasan sa hinaharap.

Partikular dito ang pagpapatayo ng mas malalaking storage facility para mapatagal ang buhay ng agricultural products at ang pagbili ng gobyerno sa mga sobrang produkto ng magsasaka para ipamahagi sa Kadiwa centers.

Facebook Comments