DA, hinikayat ang DSWD na isama ang bigas sa mga ipina-pamahagi sa mga 4P’s Beneficiaries

Para lubos na matulungan ang mga magsasaka, makikipag-ugnayan ang Department of Agriculrure sa DSWD para bilin ang kanilang mga palay.

Ayon kay Agriculture Sec William Dar, hihikayatin nya ang DSWD na isama ang bigas na ipamimigay sa mga pamilyang benipisaryo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).

Bahala na aniya ang DSWD kung sa warehouse ng NPA o sa LGUS sila bibili ng bigas.


Kung maalala tatlumpung probinsya ang nagpahayag ng pagsuporta na bibilihin sa magandang presyo ng palay ng mga magsasaka at magproproseso para maging bigas.

Bukod rito, kinumpirma ni dar na ipinag-utos na niya sa National Food Authority na hindi na pagbentahan ang mga rice traders o millers.

Sa ngayon, nasa 25 pesos ang per kilo ng NFA rice na maaaring ibenta ng 27 Pesos ng mga NFA retailer.

Facebook Comments