Hinihikayat ng Department of Agriculture (DA) ang publiko lalo na ang mga mahilig sa “add to cart” na gamiting ang kanilang bagong application (app).
Inilunsad ng DA ang AgriKonek app – isang downloadable application kung saan pwedeng ibenta ng mga agripreneurs ang kanilang produkto.
Makikita rin sa app kung gaano karami ang produktong nagagawa, presyo at iba pang impormasyon.
Sa pamamagitan ng app, pwede nang bumili ang mga potential buyers o clients ng produkto ng mga magsasaka at mangingisda online.
Ang app ay kaparehas ng iba pang online shopping platforms na sikat sa urban centers.
Umaasa si Agriculture Secretary William Dar, na maraming kabataan ang mahihikayat sa pagsasaka at agrikultura.
Aniya, simula pa lamang ito sa pagsusulong ng agripreneurship.
Ang Pilipinas ay isang agricultural country, ang mga magsasaka ay tumatanda ay may mga pangambang wala nang bagong henerasyon na papalit sa kanila.