Hinikayat ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang publiko na sumama sa boses na nananawagan na ipasa na ang panukalang batas para sa masinop na magamit ang multi-billion peso coconut levy para sa pagpapaangat sa kabuhayan ng coconut farmers.
Umuusad na ang Senate Bill No.1396 o ang “Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act,” sa pamamagitan ni Senador Cynthia Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food.
Pero ang katulad na panukala sa House of Representatives ay hindi pa inaaksyunan sa komite ni Representative Wilfrido Mark Enverga.
Ito’y para sa isang substitute bill na magko- consolidates sa 17 House Bills para sa pagtatatag Coconut Farmers and Industry Trust Fund.
Ayon kay Dar, nakakalungkot na sa kabila na pangalawa ang Pilipinas na producer at exporter ng coconut products magmula noong 2018, 4% lamang ang naiaambag nito sa agriculture sector noong 2019.
Ayon kay PCA Deputy Administrator Roel Rosales, ang kabuuang coco levy fund ay nasa ₱80 bilyon in cash at bilyon-bilyong halaga ng assets.
Batay sa pagtaya, ang trust fund ay sasapat ng hanggang 99 years upang pondohan ang sampung major programs:
• Shared facilities program;
• Farm improvement;
• Empowerment ng coconut farmer’s organizations at cooperatives;
• Scholarship program;
• Health and medical program;
• Credit support;
• Development ng hybrid coconut seed farms at nurseries;
• Infrastructure development;
• Training ng farmers sa farm schools