COVID-19 cases sa Quezon City, umabot na sa mahigit 12,000

Sumipa na sa 12,038 ang validated positive cases ng COVID-19 sa Quezon City.

Ito’y makaraang madagdagan ng 301 ang mga bilang ng nagkakasakit sa lungsod.

Mula sa kabuuang bilang, 1,925 dito ay active cases.


May naidagdag naming 473 na bagong gumaling na ngayon ay may 9,685 na nakarekober.

Tatlo ang naidagdag sa mga pumanaw na sa kabuuan ay 428 na ang bilang.

Facebook Comments