DA, hiniling na respetuhin ang kanilang desisyong pagkakaabswelto sa kanilang mga opisyales kaugnay ng naudlot na importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal

Dapat na irespeto kung anuman ang naging desisyon kaugnay ng ginawang pagsisiyasat sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) hinggil sa umano’y kuwestiyonableng pag-aangkat sana ng daan-daang libong tonelada ng asukal noong Agosto noong nakaraang taon.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Assistant Secretary Rex Estoperez, Deputy Spokesperson ng DA na nakapagpresenta na ng kanilang panig sina dating Agriculture Senior Undersecretary Leocadio Sebastian, dating Sugar Regulatory Administration o SRA administrator Hermenegildo Serafica at dating SRA board members na sina Roland Beltran at Aurelio Gerardo Valderrama Jr.

Aniya pa, aprubado na ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang desisyon matapos ang ikinasang motu proprio investigation na kung saan, nawawalang saysay ang mga kasong kinaharap ng mga dating DA official.


Kabilang dito ang mga kasong grave misconduct, gross dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Kaya apela ni Estoperez, igalang na lang ang pasya dahil base na rin aniya sa naging pahayag ni ES Bersamin, napatunayan na inisyu ang SO No. 4 ‘in good faith’ o walang masamang intensiyon.

Facebook Comments