MIYEMBRO NG ANAKPAWIS NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN

Nagbalik loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Anakpawis ang nagbalik loob sa pamahalaan kahapon, Enero 4, taong kasalukuyan.

Batay sa ulat, kinilala ang sumuko na si alyas Lorna, 71-anyos, may asawa, at residente ng Rizal, Cagayan.

Ayon kay Lorna, nakumbinse siya noong taong 2016 ni Buting Adviento sa sumapi sa organisasyon at simula noo’y naging bahagi siya ng nasabing organisasyon at aktibong lumahok o sumali sa mga demonstrasyon laban sa gobyerno at maging sa mga ilang pagpupulong na pinangasiwaan ng huli.

Nagpasya itong putulin ang ugnayan nito sa organisasyon nang mapansin niyang nililinlang lang siya ng grupo na bibigyan siya ng tulong pinansyal.

Ang matagumpay na pagsuko ni Lorna ay resulta ng pagsisikap ng pinagsanib na tauhan ng Rizal Police Station at 4th Mobile Force Platoon, 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company.

Facebook Comments