DA, hiningi ang tulong ng hog traders sa Batangas para maibaba ang presyo ng karneng baboy

Nakiusap ngayon si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa mga hog trader mula sa lalawigan ng Batangas na makipagsosyo sa gobyerno para maibaba ang presyo ng karne sa mga pamilihan.

Kasunod ito ng pagpapasinaya sa kauna unahang Triple A accredited slaughterhouse ng National Meat Inspection Service sa Lipa City.

Tiniyak ng Kalihim na patuloy na gumagawa ng mga proyekto ang DA upang matugunan ang mga hamon na hatid ng African Swine Fever.


Inanunsyo na rin ni Secretary Dar na naglaan na ang DA ng P80 million pondo para sa development at mass production ng RAPID test kits laban sa ASF.

Facebook Comments