Sinopla ng Department of Agriculture (DA) ang ilang nasa sektor ng magbababoy na kontra sa price freeze sa karneng baboy.
Una nang nagbabala ang grupong Samahan ng Industriya sa Pagsasaka at ang Hog Raisers for Luzon na magdudulot ng kawalan ng suplay ng karneng baboy at manok ang planong price ceilings.
Ayon kay Usec. William Medrano, pinag-aralan nilang mabuti ang panukala at isinaalang-alang ang kakayahan ng mga mamimili at ang kapakanan ng mga hog raisers.
Naniniwala si Medrano na hindi malaking kawalan para sa mga producers ang ₱270 para sa kasim at ₱330 sa liempo at ₱170 para sa dressed chicken.
Facebook Comments