Mga pasahero ng MRT-3, ligtas pa ring sumakay sa mga tren

27

Pinawi ng pamunuan ng MRT-3 ang pangamba ng publiko kasunod ng 42 personnel ng MRT depot at maintenance crew ng Sumitomo heavy industries na apektado ng COVID-19.

Ayon sa MRT-3 management, nananatiling ligtas ang mga pasahero na sumasakay sa mga tren.


Mas pinaigting pa ngayon ang pagpapatupad ng mga health at safety protocols sa depot at sa mga istasyon nito.

Mahigpit ding ipinatutupad ng MRT-3 ang “7 Commandments” kabilang dito ang palagiang pagsusuot ng face mask at face shield; Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; Bawal kumain; maayos at sapat na ventilation.

Laging pagsasagawa ng disinfection; at pagsunod sa panuntunan sa appropriate physical distancing.

Bukod dito, mahigpit na palagiang pagsusuot ng full personal protective equipment ng mga tauhan ng MRT-3.




Facebook Comments