DA, iginiit na walang aasahang pagtaas sa presyong pang-agrikultura ngayong holiday season

Wala umanong inaasahang pagtaas ang Department of Agriculture (DA) sa presyo ng mga produktong pang-agrikultura na in-demand ngayong Christmas season dahil na rin sa mga handaan.

Ayon kay Agriculture spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, bukod sa tuloy-tuloy na ang pag-import sa bansa, matatag din umano ang lokal na produksyon ng Pilipinas.

Isang halimbawa na umano ang baboy at manok na maganda ang produksyon.


Tone-tonelada kasi ang napo-produce ng mga ito ng sa huling quarter ng taon.

Binigyang-diin din ng DA na stable na ang presyo ng bigas simula ng alisin ang price ceiling sa well milled at regular milled rice nito lamang nakaraang buwan.

Facebook Comments