Mga pasaherong dumagsa sa PITX, halos 13,000 na

Umaabot na sa halos 13,000 ang mga pasaherong dumagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) bus terminal sa Parañaque.

Ayon sa pamunuan ng PITX, karamihan sa mga dumagsa ay mula sa mga lalawigan sa Bicol Region, Northern Luzon, Central Luzon at Southern Luzon.

May ilang ding commuters na nagbakasyon sa Metro Manila ang dumagsa sa PITX para naman umuwi sa kanilang mga lalawigan.


Wala namang naitalang kakapusan sa bus sa PITX sa kabila ng pagdagsa ng malaking volume ng mga pasahero sa nasabing bus terminal.

Facebook Comments