DA, ikinukunsidera nang magpatupad ng mas mataas na SRP sa karne ng baboy

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na posibleng magpatupad ito ng mas mataas na Suggested Retail Price (SRP) sa karne ng baboy.

Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na nire-review na nila na itaas ang SRP dahil ang dating presyo na P120 na farm gate ay nasa P150 na ngayon.

Pinag-aaralan na ng Livestock Department ang mga inilatag na kondisyon ng mga hog raisers.


Ayon kay Dar, lumitaw sa konsultasyon nila sa mga hog raisers na masyado nang tumataas ang kanilang production cost.

Masyado na silang apektado ng limitadong supply ng baboy.

Aniya, maraming baboy ang sinadyang pinatay dahil sa pagtama ng African Swine Fever sa Central Luzon at CALABARZON.

Facebook Comments