DA, hinikayat ang mga LGUs na magpatupad ng guidelines sa mga wet markets sa ilalim ng new normal

Iminungkahi ni Department of Agriculture Secretary William Dar sa Inter-Agency Task Force (IATF) na atasan ang mga Local Government Units (LGUs) na ayusin ang sistema ng kalinisan at kaayusan sa mga wet markets sa kanilang mga lugar.

Ayon kay Dar, nais niyang magkaroon ng mas mahusay na sanitasyon sa mga wet market ngayong patungo na ang maraming lugar sa new normal.

Maari rin aniya na magkusa na mismo ang mga lokal na pamahalaan na maglabas ng guidelines para sa regular na pag-disinfect at maayos na daluyan ng tubig partikular sa mga katayan o tindahan ng mga nakatay na hayop


Aniya, ang mga wet markets ay isa sa mga lugar na malimit na puntahan ng maraming tao kung saan malaki ang tyansa na dito makakuha ng virus dahil sa pakikihalubilo sa iba’t ibang tao.

Facebook Comments