DA, ilalabas sa mga susunod na araw ang resulta ng pagsusuri sa Pork Products na posibleng apektado ng African Swine Fever

Ilalabas ng Department of Agriculture (DA) sa mga susunod na araw ang resulta ng pagsusuri sa ilang Pork Product na posibleng apektado ng African Swine Fever.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, kabilang sa mga isinailalim sa pagsusuri ay ang ilang Processed Meat Products gaya ng Tocino, Hotdog, at Longganisa na nasabat sa Calapan Port sa Oriental Mindoro.

Nilinaw niya na wala pa silang pinapangalanang brand ng processed meat na positibo sa ASF.


Magpupulong din ang DA kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno sa Miyerkules hinggil dito.

Apela ng kalihim sa mga magbababoy, iwasan nang itakas o ipuslit ang mga alagang baboy na apektado ng ASF.

Binawi naman ng Mekeni Food Corporation ang Pork Products nila sa Merkado.

Ayon sa kumpanya, minabuti na nilang ipatupad ang Voluntary Recall para matiyak na hindi magiging carrier ng ASF ang kanilang mga produkto.

 

Facebook Comments