NCRPO, nananatiling ‘in good terms’ sa BuCor

Walang nangyayaring hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ang nilinaw ni NCRPO Chief Brig. Gen. Debold Sinas kasunod ng umano’y bantang pag-pull out ng NCRPO sa mga pulis nitong tumutulong magbantay sa Bilibid.

Ito’y matapos na akusahan ang 16 na pulis ng pagpupuslit ng kontrabando sa kulungan.


Sa interview ng RMN Manila kay Sinas, ang dahilan ng posibleng pag-pull out ay kung mismong mga pulis ang nagiging problema sa Bilibid.

Nilinaw din ni Sinas na maganda ang relasyon ng NCRPO at BuCor.

Samantala, balak din ng NCRPO Chief na palitan na ang mga pulis na naka-deploy sa Bilibid pagkatapos ng undas.

 

Facebook Comments